Sunday, September 11, 2011

laro 

alas tres na ng umaga 
labag na namang gising
lumuluhang pabulong nang di 
magising ang hangin

nakaupong nakatameme
sunog na ang sulyap sa kakatingin
sa kisame

akala ko na malinaw na sayo
simula n'un magkakampihan na tayo
ba't mo 'kong ginawang patoto
sa gitna ng laro ninyo?

di nagtitinginan sa mata
minamasdan ang mga linya

ilang beses sumubok intindihin
kung bakit ako biglang naging hangin?
ilang ulit pinasabog; nadurog na
hindi ko na alam kung makukumpuni ko pa

hindi pa ba sapat sayo
binalasa ang lahat nang maging ikaw ang reyna ko?
nag-iba na nga ba ang laro
dalawang hari sa kamay mo
at ang suot, pagmasid ko
kanya pala ang diamante na hawak mo

nagbabantayan ng galaw
kung ano na ang ibibitaw

hanggang kailan itong paglilihim 
gaano katagal pang paghihintay sa dilim
 
ngunit pagod nang maging taya
isasauli na ang baraha

This page is powered by Blogger. Isn't yours?


My Lakbayan grade is B!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.